Alice Guo sinampahan ng dagdag na reklamo sa DOJ

By Jan Escosio March 12, 2025 - 03:41 PM

PHOTO: Alice Guo FOR STORY: Alice Guo sinampahan ng dagdag na reklamo sa DOJ
Bamban Mayor Alice Guo (Larawan mula sa Facebook page ni Sen. Risa Hontiveros)

METRO MANILA, Philippines — May karagdagang reklamong falsification of public documents ang isinampa sa Department of Justice (DOJ) laban kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, o Guo Hua Ping.

Ang reklamo, ayon sa National Bureau of Investigation, ay may kaugnayan sa pagbili ni Guo ng ilang lupa sa Pangasinan.

Inireklamo din ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Guo.

BASAHIN: Alice Guo nanindigan na ‘not guilty’ sa human trafficking case

Ipinaliwanag ni NBI spokesman Ferdinand Lavin na nang bilhin ni Guo ang mga lupa nagpakilala siyang Filipino, ngunit nadiskubre at napatunayan na siya ay si Guo Hua Ping, isang Chinese national.

Nagpakilalang Filipino si Guo sa tatlong deeds of sale na nadiskubre ng NBI.

Sa hiwalay na kaso ng paglabag sa Anti-Trafficking Act, kasama ni Guo sa mga kinasuhan ang 38 indibiduwal, kabilang ang pitong opisyal ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor).

TAGS: Alice Guo, department of justice, Illegal POGO hubs, Alice Guo, department of justice, Illegal POGO hubs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.