Popularidad ni Bong Revilla nagpabilib kay Marcos

PHOTO: Ramon Revilla Jr. FOR STORY: Popularidad ni Bong Revilla nagpabilib kay Marcos
Sen. Ramon Revilla —File photo mula sa Senado

METRO MANILA, Philippines — Kinainggitan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang popularidad ni Ramon “Bong” Revilla Jr.

Inamin ito ni Marcos sa campaign rally ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa Camarines Sur kamakailan.

Napatunayan nang matanggap ng senador ang pinakamalakas na hiyawan at palakpak ng mga tagasuporta ng Alyansa.

Ngunit sinabi ni Marcos na ang kasikatan ni Revilla ay hindi lang dahil sa kanyang pagiging artista kundi dahil din sa kanyang pagtupad sa kanyang mga trabaho bilang mambabatas at sa ginagawang pagtulong sa mamamayan.

BASAHIN: OFW ward sa public hospitals itutulak ni Bong Revilla

Nabanggit ng punong ehekutibo ang mga naging batas na mga panukalang isinulong ni Revilla — partikular na ang karagdagang allowance para sa mga guro, karagdagang pensyon at cash benefits sa senior citizens, gayundin ang mga tulong para sa pag-aaral ng mga kabataan.

Read more...