Dela Rosa nagpasaklolo sa SC dahil sa pagkilos ng ICC sa Pilipinas

METRO MANILA, Philippines — Hiniling ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa Korte Suprema na ideklarang paglabag sa Saligang Batas ang pakikipagtulungan ng gobyerno sa International Criminal Court (ICC).
Kaugnay ito sa pagtulong ng Department of the Interior and Local Government, sa pamamagitan ng Philippine National Police (PNP) at Department of Justice, sa Interpol para maisilbi ang warrant of arrest kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapong Martes.
Iginiit ni dela Rosa na nagkaroon ng “grave abuse of discretion” sa bahagi ng gobyerno nang payagan na arestuhin si Duterte pagdating nito mula sa Hong Kong.
Paalala din ng senador na walang legal na basehan ang pag-iimbestiga ng ICC dahil hindi na tumiwalag na ang Pilipinas sa Rome Statute.
Idinagdag pa niya na walang obligasyon ang gobyerno ng Pilipinas na pagbigyan ang anumang kahilingan o abiso ng Interpol.
“Ang obligasyon ng gobyerno ay protektahan ang mga mamamayan laban sa panghihimasok ng mga banyaga,” sinambit pa ni dela Rosa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.