6 patay sa nakalipas na magdamag, pawang may kaugnayan sa illegal drugs

By Jong Manlapaz July 12, 2016 - 08:33 AM

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Hindi na inabot pa ng umaga ang isang pinaghihinalaang tulak ng bawal na gamot sa Brgy. Sta. Ana, San Mateo Rizal.

Ito ay matapos na manlaban ang suspek sa mga tauhan ng San Mateo PNP na nagsagawa ng drug buy-bust operation.

Ayon kay Col. Ruben Marte Piquero, hepe ng San Mateo police, nagpanggap na bibili ng shabu ang isa sa mga pulis, pero nakatunog ang suspek kaya agad nagpaputok ng baril.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis na agad na kinamatay ng suspek na kinilalang si Jonathan Torres, sa loob mismo ng bahay nito.

Sinabi pa ni Piquero na ang nasawing suspek ay kasama sa suspected drug personalities watchlist nasabing bayan.

Nakuha naman sa crime scene ang isang 35 caliber at ilang gramo ng pinaghihinlaang shabu.

Samantala, dead-on-arrival sa Pasay City General Hospital ang isang lalake na kilalang kilabot na pusher at holdaper.

Ito’y matapos na pagbabarilin ito ng riding in tandem sa bahagi ng EDSA-Rotonda Pasay northbound lane.

Ayon kay SPO3 Alexander Macarunay ng Pasay City Police, habang nakatambay ang biktima sa tapat ng isang parlor lumapit ang dalawang riding in tandem sa biktima agad itong pinagbabaril.

Matapos ang pamamaril nag-iwan pa ng isang karatula ang mga suspek na may nakasulat na “Traydor ka, eh holdaper pusher ka rin, mga tulad mo susunod na rin”.

Apat na basyo ng bala ang nakuha sa lugar habang may tama rin ng mga bala ang parlor na pinagtambayan ng biktima, anim na beses naman nakarinig ng putok ng baril ang mga saksi.

Kinumpirma naman ng barangay 146 Pasay City na notoryus na holdaper at pusher ang napatay na biktima.

Samantala, sa nakalipas na magdamay, apat na umano ay drug offenders din ang napaslang sa magkakahiwalay na operasyon sa Quezon City at Caloocan City.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.