Pag-aresto kay Duterte magdudulot lang ng gulo – Imee Marcos

METRO MANILA, Philippines — Labis na nabahala at nalungkot si Sen. Imee Marcos nang malaman ang pag-aresto kay dating Pangulong Duterte Rodrigo nitong umaga ng Martes.
Si Duterte ay pinaaresto ng International Criminal Court (ICC) dahil sa kanyang crimes against humanity na kaso sa bunsod ng kanyang drug war.
Sa inilabas na pahayag ng kanyang opisina, sinabi ni Marcos na patungo siya sa Palompon, Leyte, nang malaman niya ang paghuli sa dating pangulo nang dumating ito mula sa Hong Kong.
“Kawawa naman si Presidente Duterte. Ang akin kasi, hindi na tayo natuto. Gulo lang ang dulot nito,” ani ni Marcos.
BASAHIN: Kalma ang apilla ni Jinggoy Estrada sa pag-aresto kay Duterte
Inalala ng senadora ang 1986 EDSA People Power kung kailan napatalsik sa puwesto ang kanyang ama, si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.