Panibagong sama ng panahon, binabantayan ng PAGASA

LPA Jul 12Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng 1,050 kilometers East ng Bato, Catanduanes.

Sa ngayon, ayon sa PAGASA maliit pa naman ang tsansa na ito ay maging isang ganap na bagyo.

Wala pa ring epekto saan mang bansa ang nasabing LPA.

Samantala, Southwest monsoon pa rin ang naka-aapekto sa western section ng Luzon.

Ang Ilocos Region at mga lalawigan ng Zambales at Bataan ay makararanas ng pag-ulan ngayong araw, habang bahagyang maulap hanggang sa maulap naman na papawirin ang iiral sa Metro Manila.

Katamtaman hanggang sa malakas na hangin naman mula sa timog-kanluran hanggang sa timog ang iiral sa Luzon at ang mga baybaying-dagat nito ay magiging katamtaman hanggang sa maalon.

Sa ibang dako, mahina hanggang sa katamtaman ang hangin mula sa timog-silangan hanggang sa timog na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.

 

Read more...