Big-time fuel price rollback ikakasa sa Martes, Marso 11

METRO MANILA, Philippines — Makakatikim ng malaking kabawasan sa presyo ng mga produktong-petrolyo ang mga motorista bukas ng Martes, Marso 11.
Sa magkakahiwalay na anunsyo ng mga kompanya ng langis, P1.70 ang matatapyas sa halaga ng kada litro ng gasolina, 90 centavos sa krudo, at P1.80 sa gaas.
Noong nakaraang linggo, nagpatupad na ng bawas-presyo ang mga kompanya — P0.90 sa gasolina, P0.80 sa krudo, at P1.40 sa gaas.
BASAHIN: Mas mura ang kuryente mula sa nuclear energy – JV Ejercito
Ayon sa Oil Management Bureau ng Department of Energy, ang paggalaw sa mga presyo ay bunga ng pagpapalakas ng produksyon ng langis sa Estados Unidos.
Dahilan din ang anunsiyo ng plano ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na magdagdag ng produksyon sa susunod na buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.