Mga pulis, hinimok ng OSG na huwag matakot sa imbestigasyon ng Senado

By Kabie Aenlle July 12, 2016 - 04:47 AM

Jose CalidaWalang balak si Solicitor General Jose Calida na hayaan ang sinuman na hadlangan ang mga hakbang ng Philippine National Police (PNP) sa pagresolba ng problema ng iligal na droga sa bansa.

Kaugnay nito, hinimok ni Calida ang mga pulis na huwag matakot sa anumang imbestigasyon, at tiniyak na sakali mang imbestigahan sila sa Senado, ang Office of the Solicitor General (OSG) ang haharap para sa kanila.

Sa kabila ng mga bumabatikos at naaalarma sa pagdami ng mga namamatay sa mga operasyon laban sa iligal na droga, iginiit ni Calida na kulang pa nga ito dahil sobrang talamak na ng droga sa ating bansa.

Gayundin ang payo ni PNP Director General Ronald dela Rosa sa kaniyang mga pulis, at tiniyak sa mga ito na hindi sila maiiwang mag-isa kung kakailanganin man nilang pangatwiranan ang kanilang desisyon.

Sa huling tala ng PNP, 110 drug suspects na ang napatay sa kanilang mga operasyon, habang libu-libo naman ang mga sumuko hindi lang sa Metro Manila kundi sa iba’t ibang lalawigan sa buong bansa.

Pero, nagpaalala naman si Dela Rosa na ang kinikilala lamang niya ay mga lehitimong operasyon kontra iligal na droga at kalaban niya ang mga vigilante na pumapatay kahit wala namang kapangyarihan para gawin ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.