Lacson: Mga Filipino tamad nang magtrabaho dahil sa mga ayuda?
METRO MANILA, Philippines — Naniniwala si dating Sen. Panfilo Lacson na dapat na masusing pag-aralan ang mga ayuda na ibinibigay ng gobyerno.
Nagpahayag ng pagkabahala si Lacson nitong Biyerness na tumataas ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho dahil sa natatanggap na mga ayuda.
“Baka naman sobrang pagbigay ang ayuda tinamad ang ating kababayan, ayaw magtrabaho? So we should, I think — this is personal opinion — i-revisit natin sa napakaraming porma ng ayuda,” ani Lacson.
BASAHIN: Lacson ipinanukala ang counterflow sa EDSA bus lane
Aniya, ang dapat palakasin ay ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa paniniwalang sa lahat ng mga ayuda tanging ito ang lubos na kapaki-pakinabang sa mga tunay na mahihirap na Filipino.
Unang iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na umakyat sa 4.3% ang unemployment rate noong nakaraang Enero mula sa 3.1% noong nakaraang Disyembre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.