Death penalty sa krimeng karumaldumal ipababalik ni dela Rosa

METRO MANILA, Philippines — Muling ihahain ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang parusang kamatayan dahil sa naglipanang karumaldumal na mga krimen, kasama na ang drug-trafficking, sa bansa.
“Kung sakaling papalarin, ipa-file ko pa rin ulit kagaya itong walang kamatayang death penalty for high-level drug traffickers. Hindi kasama dito ‘yung mga small-time na mga pusher diyan sa kalsada. Drug pusher — ito ‘yung mga big-time, ‘yung mga malakihan,” sabi ni dela Rosa.
Aminado ang senador na mahirap na mailusot sa Senado ang panukalang pagbabalik ng parusang bitay dahil sa pagiging kontrobersyal.
BASAHIN: Dela Rosa pinuna sumisikat na online drug use posts ng vloggers
Kumpiyansa si dela Rosa na solusyon sa maraming kinahaharap na problema ng bansa ang parusang bitay.
“Alam niyo ‘yung kahindik-hindik na krimen, mga heinous crimes na ‘yan, magagawa nila ‘yan kapag sila’y wala sa tamang pag-iisip at sila ay under the influence of drugs,” dagdag niya.
Idiniin niya na kailangan ang kamay na bakal sa pagsugpo sa problema sa droga upang hindi pagtawanan ng mga sindikato ang awtoridad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.