Donasyon ng ‘Chinese spies’ sa PNP, LGUs iimbestigahan – PCO
METRO MANILA, Philippines — Iimbestigahan ng Malacañang ang mga napa-ulat na donasyon ng mga hinuling diumano’y espiya ng China sa Philippine National Police (PNP) at ilang mga local government units (LGUs).
Ito ang tiniyak ni Palace press officer Undersecretary Claire Castro nitong Lunes upang maliwanagan ang publiko ukol sa mga donasyon.
Sinabi din ni Castro na hindi masama ang tumanggap ng donasyon kung malinis ang intensyon at walang ibang motibo kundi makatulong ang nagbigay.
BASAHIN: International syndicate sa likod ng POGOs inaalam kay Alice Guo
Inalala ni Castro na noong COVID-19 pandemic, maraming lokal na pamahalaan ang nakatanggap ng mga donasyon mula sa China, tulad ng ambulansya.
Kailangan lang aniya matiyak na hindi nagagamit ang mga lokal na opisyal sa pagtanggap nila ng donasyon.
“Wala pong masama kung tatanggap tayo ng donasyon if it’s done in good faith. So, kung ito naman po pala ay parang ibinigay pero mayroong kakaibang dahilan for that, kailangan po nating imbestigahan iyan at kung sinuman po iyong mga tumanggap na mga opisyal ng LGU,” aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.