Dumaraming napapatay na drug suspects, ikinaalarma ng isang obispo

By Kabie Aenlle July 12, 2016 - 04:23 AM

 

Inquirer file photo

“You cannot do evil in order to achieve good.”

Ito ang iginiit ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani nang ipahayag niya ang kaniyang pagkabahala sa sunud-sunod na pagkakapatay sa mga drug suspects mula nang mag-umpisa ang Duterte administration.

Ayon kay Bacani, kailanman ay hindi makatarungan ang pagpatay sa mga drug suspects para solusyunan ang problema sa iligal na droga sa bansa.

Dapat rin aniyang kilalanin ng mga otoridad ang karapatang pantao ng mga pinapatay nila at na dapat sumailalim ito sa kaukulang proseso alinsunod sa batas.

Aniya pa, hindi dapat magsilbing hukom at executioners ang mga pulis.

Una nang sinabi nina Philippine National Police Director General Ronald dela Rosa at Solicitor General Jose Calida na poprotektahan nila ang mga pulis mula sa congressional inquiries kaugnay sa pagdami ng mga napapatay na drug suspects.

Gayunman, mariin namang kinokondena ni Dela Rosa ang “vigilantism” at sinabing tanging mga lehitimong operasyon lamang ang dapat mamayagpag laban sa iligal na droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.