Luxury cars smuggling pinasisilip ni Gatchalian

By Jan Escosio March 03, 2025 - 02:10 PM

PHOTO: Shewin Gatchalian FOR STORY: Luxury cars smuggling pinasisilip ni Gatchalian
Sen. Sherwin Gatchalian —File photo mula sa Senate Public Relations and Information Bureau)

METRO MANILA, Philippines — Nais ni Sen. Sherwin Gatchalian na maimbestigahan sa Senado ang talamak na pagpupuslit sa bansa ng mga mamahaling sasakyan.

Sinabi ng senador na malaking kita ng gobyerno sa buwis ang nawawala.

Binanggit ni Gatchalian sa inihain niyang Senate Resolution No. 1318 na nananatiling talamak ang luxury car smuggling sa kabila ng mataas na multa.

BASAHIN: Apat na smuggled used luxury vehicles nasabat sa Cagayan de Oro

Diin ng namumuno sa Senate Ways and Means Committee malaki ang epekto nito sa ekonomiya at apektado ang mga lehitimong negosyo.

Noong nakaraang buwan, umabot sa higit P2.6 bilyong halaga ng mga mamahaling sasakyan ang nakumpiska sa magkakahiwalay na operasyon ng Bureau of Customs sa Pasay City, Makati City at Taguig City.

 

TAGS: luxury cars smuggling, Sherwin Gatchalian, luxury cars smuggling, Sherwin Gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.