
METRO MANILA, Philippines — Matatapyasan bukas ng Martes, ika-4 ng Marso, ang presyo ng mga produktong petrolyo.
Base sa anunsyo ng mga kompanya ng langis, 80 centavos kada litro ang mababawas sa presyo ng krudo at 90 centavos naman sa gasolina.
Bababa naman ng P1.40 ang halaga ng kerosene o gaas.
BASAHIN: Mas mura ang kuryente mula sa nuclear energy – JV Ejercito
Noong nakaraang linggo, tumaas ng 70 centavos ang halagang gasolina, 40 centavos sa diesel at 20 centavos sa kerosene.
Hanggang noong nakaraang Martes, ngayong taon ay tumaas na ng P4.75 ang diesel at gasolina at P2.90 naman ang gaas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.