Solon inihirit mall voting info drive para senior citizens, PWDs

PHOTO: Rodolfo Ordanes FOR STORY: Solon inihirit mall voting info drive para senior citizens, PWDs
Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes | File photo mula sa INQUIRER.net

METRO MANILA, Philippines — Hinikayat ni Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes ang pamunuan ng 42 malls na gagamiting voting precints sa papalapit na midterm elections magsagawa ng information and education campaign sa hanay senior citizens at may kapansanan.

Sinabi ni Ordanes na dapat ipaalam sa senior citizens at PWDs na maari silang makaboto sa malls sa eleksyon sa Mayo.

“Lubusin na ang pagmamalasakit sa pamamagitan ng information and education drive na ang seniors at PWDs ay komportable na makakaboto sa malls,” ani Ordanes.

BASAHIN: Senior citizens’ social pension di sakop ng election spending ban

Umapila din si Ordanes, na siyang namumuno sa House Committee on Senior Citizens, sa mga kaanak at tagapag-alaga ng botanteng senior citizens at PWDs na maari silang makaboto sa malls sa darating na Mayo 12.

Una nang pinasalamatan ni Ordanes ang Commission on Elections (Comelec) sa mga hakbang para sa madali at mas maayos na pagboto ng senior citizens at PWDs.

Nanghihinayang na lamang din si Ordanes na hindi pa naaprubahan ang isinulong niyang House Bill No. 7576 o ang Early Voting Act for Seniors and PWDs ay hindi pa naipasa sa Senado.

Ayon sa mambabatas naaprubahan na sa Kamara ang panukala noon pang Mayo 2023 at agad na ipinadala sa Senado ngunit mistulamg inupuan lang ng mga senador.

Read more...