Trabaho, wage hike, job security ipinangako ni Revilla

METRO MANILA, Philippines — Tiniyak ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., na patuloy na isusulong ang mga polisiya para sa paglikha ng bagong mga trabaho at mataas na suweldo kapag muling nahalal siya sa Senado.
Sa pangangampaniya ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa Dumaguete City, binanggit ni Revilla Jr. ang kanyang plataporma na “Aksyon sa Tunay na Buhay.”
Ipinaliwanag niya na ito ay para sa paglikha ng mga trabaho, pagkakaroon ng disenteng suweldo, sapat na pagkain at suporta sa mga nangangailangan.
BASAHIN: Go, Pia, Revilla, Marcos, at dela Rosa nasa Pulse Asia ‘Magic 12’
“Ang disenteng hanapbuhay ay hindi lamang tungkol sa trabaho, ito ay tungkol sa dignidad ng bawat manggagawang Pilipino. Sisiguraduhin nating hindi lang sapat kundi marangal ang kita ng bawat pamilyang Pilipino,” sabi pa nito.
Idinagdag pa niya na para mapaunlad at mapagtibay pa ang ekonomiya ng bansa kailangan na magkaroon ng seguridad sa trabaho at buhusan ng suporta ang mga maliliit na negosyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.