Coloma, pumalag sa pahayag ni Andanar sa isyu ng ‘overprinting’ ng tax stamps

By Jay Dones July 12, 2016 - 04:16 AM

 

SONNY-HERMINIO-COLOMAPinasinungalingan ni dating Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang isiniwalat ni kasalukuyang Communications chief Martin Andanar na nagkaroon ng sobra-sobrang pag-imprenta ng mga tax stamps na nagagamit ng mga smugglers sa kanilang iligal na operasyon.

Ang reaksyon ni Coloma ay bilang tugon sa pahayag kamakailan ni Andanar na kanya nang ipinag-utos ang audit sa mga naimprentang tax seals ng National Printing Office at Apo Production Unit Inc., dahil sa sobra sobra umano ito.

Ang mga sobrang tax seals ayon pa kay Andanar ang siyang ginagamit upang makalusot ang mga smuggled na sigarilyo at alak sa bansa.

Ang NPO at ang APO ang natokahang mag-imprenta ng mga opisyal na dokumento ng pamahalaan na nasa ilalim ng PCOO.

Paliwanag nito, dumadaan sa striktong quality control at security ang proseso ng pag-imprenta ng mga opisyal na dokumento upang maiwasang mapeke ito o masobrahan ng kopya.

Palagian aniyang may dalawang opisyal aniya ng BIR ang nangangasiwa sa proseso ng pag-imprenta ng mga revenue stamps.

Kapag may mga ‘reject’ aniya ay agad itong sinisira at maging ito ay sinasaksihan ng mga opisyal ng BIR.

Giit ni Coloma, dapat biniberipika muna ni Andanar ang kanyang mga hawak na impormasyon bago ito isinisiwalat sa publiko.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.