Barko ng Japan nasa Maynila para sa maritime drills

By Kabie Aenlle July 12, 2016 - 02:17 AM

 

Phil. Coast Guard

Dumating na sa Pilipinas ang isang barko ng Japan Coast Guard (JCG) para sa isang joint maritime drills.

Dumaong ang JCG vessel PLH02 Tsugaru sa Manila South Harbor, Lunes ng umaga, dalawang araw bago ang nakatakdang mga military exercises nila kasama ang Philippine Coast Guard.

Ayon kay PCG spokesperson Commander Armand Balilo, gagamitin ang nasabing barko ng Japan pati na ang Bell 412 utility helicopter nito sa gagawin nilang drills bukas sa Manila Bay.

Ito na ang magiging ika-anim na ulit ng Joint Maritime Law Enforcement Exercise, at ngayon ito ay nakatutok sa pagsugpo sa “piracy and armed robbery” sa karagatan.

Aniya pa, isasagawa ito upang mas lalo pang mahasa ang mga kakayanan ng parehong coast guards sa pagsasagawa ng airlift rescue operations at pagpapatibay na rin ng mutual cooperation ng dalawang pwersa.

Sa panig naman ng PCG, gagamitin nila ang BRP Pampanga at ang BRP Davao. 70 tauhan ng PCG ang makikilahok sa drills kasama ng 50 Japanese.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.