Pagtibayin SHS Voucher Program vs ‘ghost recipients’ – Gatchalian

PHOTO: Sen. Sherwin Gatchalian FOR STORY: Pagtibayin SHS Voucher Program vs ‘ghost recipients’ – Gatchalian
Sen. Sherwin Gatchalian —File photo mula sa Senate Public Relations and Information Bureau

METRO MANILA, Philippines — Nanawagan si Sen. Sherwin Gatchalian sa Department of Education (DepEd) na palakasin ang Senior High School (SHS) Voucher Program.

Kasunod ito ng alegasyon na may mga “ghost recipients” ang naturang programa.

Nakumpirma ni Gatchalian ang pagkalat ng nmga ghost recipients sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Senate basic education committee ukol sa pagpapatupad sa Expanded Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (E-GASTPE) Law.

BASAHIN: Magtuloy-tulóy sana ang mga reporma sa DepEd – Gatchalian

Nabunyag sa pagdinig na mula 2020 hanggang 2023, kinuwestiyon ang 11,825 benepisyaryo ng programa at ang mga ito ay napaglaanan ng P310 milyon.

Ang isang Grade 11 public school student na papasok sa pribadong paaralan ay maaring mabigyan ng P22,500 tulong pinansiyal sa ilalim ng programa.

Idiniin ni Gatchalian dapat ay pagtibayin ng DepEd ang kanilang billing system para matiyak na totoo ang benepisyaryo at para na rin agad mabayaran ang private schools.

Read more...