Sariling negosyo susi sa pag-angat ng buhay – Camille Villar

By Jan Escosio February 19, 2025 - 02:46 PM

PHOTO: Camille Villar FOR STORY: Sariling negosyo susi sa pag-angat ng buhay – Camille Villar
House Deputy Speaker Camille Villar —Larawan mula sa kanyang tanggapan

METRO MANILA, Philippines — Naniniwala si House Deputy Speaker Camille Villar na aangat ang buhay ng mga Filipino sa pamamagitan ng sariling negosyo.

Ayon sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas senatorial candidate, dapat ay tulungan ng husto ang micro, small, medium enterprises (MSMEs) para lumago.

Sinabi niya na 15 na taon siyang nag-trabaho sa pribadong sektor at nadiskubre niya ang mga pangangailangan ng mga maliliit na negosyo.

BASAHIN: Senatorial bets Camille Villar, Abby Binay naghain na ng COC

“Maliliit na negosyo ang nagbibigay ng trabaho sa marami nating kababayan,” aniya.

Kamakailan lamang aniya ay inilunsad niya ang kanyang “Negosenso” project, na ang mga benepisyaryo ang mga tindero, padyak drivers at may-ari ng sari-sari store.

May proyekto din siya na “Market Liberty,” na nagbibigay pagkakataon sa mga batang negosyante na ipagbili ang kanilang produkto sa Vista Mall sa buong bansa.

TAGS: BUsiness, Camille Villar, entrepreneurship, BUsiness, Camille Villar, entrepreneurship

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.