Britain, magkakaroon na ng bagong prime minister

By Kabie Aenlle July 12, 2016 - 04:15 AM

 

Bababa na sa pwesto bilang British Prime Minister si David Cameron bukas para magbigay daan sa papalit sa kaniya na si Home Secretary Theresa May.

Opisyal nang pinangalanan bilang sunod na prime minister at Conservative Party leader si May para pumalit agad kay Cameron pagdating ng Miyerkules ng gabi.

Ayon kay May, magiging prayoridad niya ang pag-alis ng Britain sa European Union.

Sa oras pa lamang na napagbotohan sa Britain ang pag-alis nila sa European Union, matatandaang agad na nagsabi si Cameron na magbibitiw na siya sa pwesto sa October, ngunit binilisan na ang proseso.

Mas mabilis rin ang pagluklok kay May dahil umatras ang nag-iisa nitong kalaban na si Energy Minister Andrea Leadsom matapos umano itong masangkot sa kontrobersya nang siya ay magkomento tungkol sa pagiging ina at pagiging pinuno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.