40 Abu Sayyaf patay sa pakikipaglaban sa mga sundalo sa Basilan at Sulu
Umabot sa 40 miyembro ng bandidong Abu Sayyaf group ang napatay ng mga militar sa mas pinaigting na operasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Basilan at Sulu.
Ayon kay AFP Western Mindanao Command (Wesmincom) spokesperson Maj. Filemon Tan, nakipag-ugnayan sila sa mga pulis at lokal na pamahalaan sa Basilan at Sulu para magsagawa ng operasyon laban sa Abu Sayyaf na tumagal rin ng isang linggo.
Aniya, noong Linggo ay 18 na ang naitalang napatay na miyembro ng Abu Sayyaf sa bakbakan sa Basilan habang siyam naman ang sugatan.
Sa Sulu naman, 22 ang kanilang napatay habang 16 ang nasugatan sa bakbakan.
Ilan sa mga kinilalang nasawi sa mga operasyon sa ay sina Julkifli Sariul, Kussien Pallam Seong, Sabtola Mahalli, Mallah Sangkula at Bas Sariyul.
Mayroon nang warrant of arrest laban kay Mahalli noon pa man dahil sa pagdukot sa mamamahayag na si Ces Drilon noong 2008
Samantala, isang sundalo naman din ang nasawi sa pakikipaglaban sa Sulu habang anim na iba pa ang nasugatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.