Hindi Chinese warships ang nakita sa Camarines Sur – Navy

By Jan Escosio February 18, 2025 - 01:40 PM

PHOTO: PH map showing location of Camarines Sur FOR STORY: Hindi Chinese warships ang nakita sa Camarines Sur - Navy
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Nilinaw ng Philippine Navy (PN) nitong Martes na hindi mga barkong pandigma ng China ang namataan sa karagatan ng Jose Panganiban, Camarines Norte.

Ayon kay Lt. John Emmanuel Sison, director ng Public Affairs Office ng Naval Forces Southern Luzon, mga barko ng French Navy, US Navy, at Japan Maritime Self-Defense Force ang nakita ng mga residente.

Sabi pa ni Sison ang mga ito ay kabilag sa Exercise Pacific Stellar 2025 ng French Navy na isinagawa sa Philippine Sea.

BASAHIN: Chinese research ship nakita malapit sa Occidental Mindoro

Ito rin aniya ang mga nakita malapit sa Polillio Island noong nakaraang araw ng Biyernes, ika-14 ng Pebrero.

Dinagdag pa ni Sison na may walong warships ang nakibahagi sa war exercise. Ang mga ito ay mula sa US, France, at Japan.

TAGS: Exercise Pacific Stellar 2025, military sea exercises, philippine navy, Exercise Pacific Stellar 2025, military sea exercises, philippine navy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.