
METRO MANILA, Philippines — Naniniwala si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na mababasasura lamang ang reklamo ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito aniya ay dahil wala naman talagang “complainant” sa reklamo na nag-ugat sa sinasabing “kill joke” sa 15 na senador.
Pinaliwanag ni dela Rosa na wala kahit isa sa 15 na senador na tampok sa biro ni Duterte ang pumalag dahil wala sa kanila ang pinangalanan.
BASAHIN: Rodrigo Duterte faces sedition rap for ‘kill senators’ quip
Hindi rin aniya dapat siseryosohin ang biro sa katuwiran na kung talagang papatayin ang 15 na senador hindi ito iaanunsiyo sa national TV.
Ayon pa kay dela Rosa, kung siya pa ang hepe ng Philippine National Police (PNP) ay pagsasabihan niya ang CIDG na huwag nang isampa ang reklamo.
Ngunit kung ikakatuwiran ng CIDG na trabaho lang ang lahat ay hahayaan din niya ang mga ito.