‘State of calamity’ idineklara sa Basilan dahil sa operasyon kontra ASG

By Kabie Aenlle July 12, 2016 - 04:24 AM

 

Nagdeklara na ng state of calamity ang lokal na pamahalaan ng Basilan dahil sa mga isinasagawang opensiba ng mga militar laban sa Abu Sayyaf group.

Pangunahing apektado sa mga bakbakan sa pagitan ng bandidong grupo at ng mga sundalo ay ang mga bayan ng Tipo-tipo, Ungkaya Pukan at Al-Barka.

Ayon kay Basilan Gov. Jim Hataman-Salliman, posibleng tumagal ng dalawa hanggang tatlong buwan ang state of calamity sa kanilang lalawigan.

Ito ay upang masuportahan ng lokal na pamahalaan ang libu-libong pamilyang inilikas dahil sa mga bakbakan na nagaganap at para mabilhan ng relief goods ang mga ito.

Sa pinakahuling tala ng Armed Forces of the Philippines, 40 na ang nasawing miyembro ng Abu Sayyaf habang 25 ang sugatan sa kanilang mga operasyon sa Basilan at Sulu. Isang sundalo naman ang nasawi sa laban sa Sulu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.