Gamit ng AI sa mga love scam pinababantayan ni Villanueva sa PNP

PHOTO: Sen. Joel Villanueva FOR STORY: Gamit ng AI sa mga love scam pinababantayan ni Villanueva sa PNP
Sen. Joel Villanueva —File photo mula sa Senate Public Relations and Information Bureau

METRO MANILA, Philippines — Hinikayat ni Sen. Joel Villanueva nitong Biyernes ang Anti-Cybercrime Group (ACG) ng Philippine National Police (PNP) na tutukan ang paggamit ng artificial intelligence (AI) sa online love scams.

Sinabi ni Villanueva na marami pa rin sa mga Filipino ang nahuhulog sa love scams sa paghahanap ng iibigin.

Idiniin niya ang teknolohiya ay dapat gamitin lamang sa pagpapa-unlad at pagpapabuti ng buhay at hindi upang maging daan pa ng kahirapan o kapahamakan.

BASAHIN: PH among top 10 sources of romance scams – Moody’s

BASAHIN: “Love scam fraudsters” timbog sa PNP sa tulong ng GCash

Ibinahagi niya na sa ulat ng pambansang pulisya, simula noong Enero, pitong kaso na ng love scam ang idinulog sa PNP  ACG.

Noong 2024, may 72 na kaso ng love scam ang inaksiyonan ng PNP.

Dapat, idiniin din ni Villanueva, ay paigtingin ng mga kinauukulang ahensya ang kanilang information at education campaign ukol sa ibat-ibang uri ng panloloko gamit ang internet at ngayon ang paggamit ng artificial intelligence.

Read more...