Tataas presyo ng gasolina, krudo, at gaas sa susunod na linggo
METRO MAILA, Philippines — Nagbabala na ang Department of Energy (DOE) sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sinabi ni DOE Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na maaring nasa pagitan ng 45 sentiimo hanggang 75 sentimo ang madadagdag sa halaga ng gasolina.
Anya ang presyo naman ng krudo o diesel ay tataas ng 30 sentimo hanggang 70 sentimo at ang gaas o kerosene ay magmamahal ng 15 sentimo hanggang 30 sentimo.
BASAHIN: US steps up Russia sanctions
Ang mga paggalaw ng presyo, sabi pa ni Romero, ay base sa mga halang ng langis sa pandaigdigang merkado.
Kabilang din aniya sa mga dahilan ay ang mga bagong sanctions ng Estados Unidos sa Russia at ang pagtaas ng presyo ng langis sa Iran.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.