Palasyo ‘no comment’ sa banat ni Rodrigo Duterte kay Marcos

METRO MANILA, Philippines — Minabuti ng Malacañang na huwag na lamang patulan ang mga banat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa administrasyong Marcos.
“No comment,” ang naging matipid na tugon ni Communications Secretary Cesar Chavez nang hingian ng reaksyon ukol sa mga batikos ng dating pangulo.
Kahapon, sa campaign kick-off rally ng Partido Demokratikong Pilipino sa San Juan City, pinuntirya ni Duterte ang administrasyon sa kapos na suplay at mataas na presyo ng mga pagkain.
BASAHIN: Duterte hits back at Marcos to push PDP-Laban bets
BASAHIN: Awayang Marcos-VP Duterte walang epekto sa ekonomiya – Neda chief
Muli din sinabi ni Duterte na gumagamit ng droga si Marcos at pinuna din niya na talamak muli ang droga sa bansa.
Bago ito, pinasaringan naman ni Marcos ang kampo ni Duterte sa pagdalo niya sa kick-off rally ng Alyansa ng Bagong Pilipinas sa Ilocos Norte at Iloilo.
Sinabi ni Marcos na ang inendorso niyang mgha kandidato ay walang kinalaman sa nangyaring madugong kampaniya kontra droga ng administrasyong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.