
METRO MANILA, Philippines — Ipinagdiinan ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles na walang katotohanan ang ulat na nagkaroon ng data breach sa kanilang database.
Babala ni Robles sa publiko na huwag agad paniwalaan ang mga kumakalat na ulat na napasok ng cyber hackers ang database ng ahensya.
Idiniin niya wala silang iniulat na data breach sa Department of Information and Communications Technology (DICT) dahil wala naman insidente.
Sa kanyang palagay nais lamang ng nagpakalat ng fake news sa pagdudahan ng publiko ang kanilang mga sistema o sirain ang kanilang imahe.
BASAHIN: PCSO binigyan ng WLA Certification for responsible gaming
Tiniyak niya na matatag ang digital defenses ng PCSO at hindi ito mapapasok ng hackers.
Bago nito, may lumabas sa isang online news site na mula sa umano’y grupo ng hackers na nasabing matagumpay nilang napakialamanan ang sistema ng PCSO at ito ay alam ng DICT.
Idinagdag pa niya na ang sinasabing listahan ng mga pangalan ay hindi lotto jackpot at consolation prize winners kundi mga indibiduwal na nakibahagi sa isang promo ng sangay ng PCSO sa Cagayan noon pang 2022.
“Our database for the lotto jackpot winners is safe in the head office. The branch offices are not connected to the head office,” iginiit pa ni Robles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.