Retired police general sa P6.7-B shabu mess sumuko sa CIDG

METRO MANILA, Philippines — Pansamantalang nakalaya matapos makapag-piyansa ang retiradong heneral ng Philippine National Police (PNP) na isinasangkot sa kinukwestyon na anti-drug operation sa Maynila noong 2022.
Sumuko si retired Lt. Gen. Benjamin Santos Jr., sa mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group pagdating sa Ninoy Aquino International Airport bago bago mag 5 a.m..
Si Santos ang PNP deputy chief for operations nang isagawa ang operasyon na nagresulta sa pagkakakumpiska ng P6.7 bilyong halaga ng shabu at pagkakahuli kay Police Sgt. Rodolfo Mayo Jr.
BASAHIN: Revilla humirit na imbestigahan sa Senado ang sabit ng police generals sa P6.7-B shabu haul
Iniharap si Santos sa Manila RTC Branch 44 at pinalaya din ito pasado alas-9 ng umaga nang mag-piyansa ng P200,000.
Kabilang si Santos sa 29 retirado at aktibong pulis na ipinahuli ng hukuman dahil sa mga kasong kriminal na isinampa laban sa kanila ng Department of Justice base sa reklamo ng PNP-CIDG.
Nabatid na sa 29 na pulis, pito na lamang ang pinaghahanap, kabilang si Brig. Gen. Narciso Domingo, ang dating director ng PNP Drug Enforcement Group.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.