NCRPO pinalakas kampanya kontra fake PWD, senior citizen IDs

METRO MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Brig. Gen. Anthony Aberin, hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ang pinaigting na kampanya para mapigilan ang pagkalat ng pekeng identification cards para sa senior citizens at person with disability (PWD).
Sinabi ni Aberin inatasan na niya ang lahat ng police station commanders sa Metro Manila na mabilis na kumalap ng impormasyon ukol sa pinagmumulan ng pakeng IDs.
Ang hakbang ng NCRPO ay nag-ugat sa mga dumadaming reklamo kaugnay sa paggamit ng pekeng IDs na ikinalulugi ng mga negosyo at apektado na rin maging ang mga tunay na benepisyaryo.
BASAHIN: Beyond fake PWD IDs: Inclusion, accessibility, and disability rightsFollow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook
Tiniyak ni Aberin na magiging agresibo ang kanilang mga operasyon laban sa mga nagpapakalat ng pekeng IDs at aniya masesentensiyahan sa mga korte ang mga ito.
Ginagamit ang mga pekeng ID para sa 20% diskuwento sa pagkain at serbisyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.