METRO MANILA, Philippines — Gamit sa intelligence, surveillance, at reconnaissance mission ang bumagsak na eroplano sa Ampatuan, Maguindanao kahapon ng Huwebes.
Ito ang pahayag ng US Indo-Pacific Command (IndoPaCom) sabay pagkumpirma na ang mga nasawing sakay ng Beechcraft King Air 300 ay isang sundalong Amerikano at tatlong defense contractors.
Ayon pa sa IndoPaCom isinagawa ang misyon dahil sa kahilingan ng gobyerno ng Pilipinas na mabigyan ng suporta bilang bahagi ng Philippine-US Security cooperation activities.
BASAHIN: 4 dead as plane crashes into Maguindanao farm
Iniimbestigahan na ang insidente para matukoy ang dahilan ng pagbagsak ng eroplano.
Wala ng iba pang detalye ukol sa insidente ang ibinahagi ng IndoPaCom.