Bumagsak na US military plane sa Maguindanao gamit sa surveillance

By Jan Escosio February 07, 2025 - 10:30 AM

PHOTO: Debris of US military plane that crashed in Maguindanao FOR STORY: Bumagsak na US military plane sa Maguindanao gamit sa surveillance
Mga resident ng Ampatuan, Maguindano, pinagmamasdan ang mga labi ng isang US military plane na bumagsak sa kanilang lugar nitong Huwebes, ika-6 ng Pebrero 2025. (Kuha ni Bhengs B. Salinogen | Contributor)

METRO MANILA, Philippines — Gamit sa intelligence, surveillance, at reconnaissance mission ang bumagsak na eroplano sa Ampatuan, Maguindanao kahapon ng Huwebes.

Ito ang pahayag ng US Indo-Pacific Command (IndoPaCom) sabay pagkumpirma na ang mga nasawing sakay ng Beechcraft King Air 300 ay isang sundalong Amerikano at tatlong defense contractors.

Ayon pa sa IndoPaCom isinagawa ang misyon dahil sa kahilingan ng gobyerno ng Pilipinas na mabigyan ng suporta  bilang bahagi ng Philippine-US Security cooperation activities.

BASAHIN: 4 dead as plane crashes into Maguindanao farm

Iniimbestigahan na ang insidente para matukoy ang dahilan ng pagbagsak ng eroplano.

Wala ng iba pang detalye ukol sa insidente ang ibinahagi ng IndoPaCom.

TAGS: Maguindanao plane crash, US Indo-Pacific Command, Maguindanao plane crash, US Indo-Pacific Command

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.