PNP high morale sa ipinakikitang suporta sa kanilang anti-illegal drugs campaign

 

Inquirer file photo

Tumataas umano ang morale ng PNP dahil sa supporta na ipinakikita ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan sa kanilang maigting na kampanya kontra iligal na droga.

Ito ang nasabi ni CPNP Ronald Bato dela Rosa matapos na dumalo si Solicitor General Jose Calida sa flag-raising ceremony sa Kampo Crame kahapon.

Ani Bato, marami pa rin umanong mga ahensya ng gobyerno ang maaasahan ng taumbayan na sumusuporta sa programa ng PNP.

At ito umano ang dahilan para manatiling nasa high morale ang buong pwersa ng PNP at hindi magpaapekto sa mga hakbang ng ilang grupo na mahinto ang kanilang inumpisahan.

Naniniwala rin si dela Rosa na hindi dapat mahinto ang operasyon ng PNP dahil na rin sa suporta ng mga ahensya ng pamahalaan at ng mismong Duterte administration.

Read more...