DOLE handang magbigay ng dagdag ayuda sa US Pinoy deportees
METRO MANILA, Philippines — Tutulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga Filipino na palalayasin sa Estados Unidos dahil sa polisiya ni US President Donald Trump ukol sa mga banyaga sa kanilang bansa.
Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, may utos na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suportahan ang mga Filipino na sisipain ng gobyerno ng US dahil sa kanilang immigration status.
“Ang DOLE batay sa tagubilin ng pangulo, aalalay, susuporta para makatulong sa mga posibleng madeport,” ani Laguesma.
BASAHIN: Marcos handang maka-trabaho si Trump para patibayin PH-US ties
Ang utos ni Marcos ay bunsod ng pag-aalala sa mahigpit na polisiya ng administrasyon ni Trump ukol sa mga naninirahan na banyaga sa US.
Napa-ulat na 24 undocumented Filipinos na ang pinalayas at may 80 iba pa ang sumasailalim sa proseso ng deportasyon.
Sinabi ni Laguesma na ang pagbibigay tulong sa mga Filipino na magbabalik sa bansa ay pangungunahan ng Department of Foreign Affairs at Department of Migrant Workers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.