Solicitor General Calida mayabang ayon kay Drilon

By Jan Escosio July 11, 2016 - 08:46 PM

drilon-1
Inquirer file photo

Iginiit ni Senate President Franklin Drilon na hindi mapipigilan ni Solicitor General Jose Calida ang pagsasagawa ng senado ng ‘investigation in aid of legislation’ dahil mandato nila ito na nakapaloob sa Saligang Batas.

Pinuna din ni Drilon ang tila kayabangan ni Calida na aniya ay kumukuwestiyon sa pagiging independent ng Senado bilang sangay ng gobyerno.

Ayon sa mambabatas, dapat ay walang ikatakot o ikabahala si Calida at ang mga opisyal ng Philippine National Police kung kumpiyansa naman sila na hindi kaduda-duda ang sunod sunod na pagkamatay ng drug personalities.

Giit nito sinusuportahan nila ang pinaigting na kampanya kontra droga ngunit hindi naman nila maaring balewalain ang mga alegasyon na ang serye ng pagpatay ay nagmimistula ng extra judicial killings.

Dagdag pa ni Drilon, gagamitin nila ang lahat ng kapangyarihan ng Senado para padaluhin ang sinuman testigo o resource persons  kung kakailanganin ito sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

Sinabi pa nito na sila ay may kapangyarihan na kasuhan ng contempt ang sinumang tatanggi sa kanilang subpoena na humarap sa pagdinig sa Senado.

TAGS: calida, Drilon, senate, solicitor general, calida, Drilon, senate, solicitor general

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.