‘Devil’s Curve’ babantayan ng pulis dahil sa ‘stunt‘ ng vlogger

By Jan Escosio January 28, 2025 - 03:48 PM

PHOTO: Motorcycles on Marilaque Highway FOR STORY: ‘Devil’s Curve’ bubuhusan ng pulis dahil sa ‘stunt‘ ng vlogger
Isang bahagi ng Marilaque Highway sa Rizal. —File photo ni Niño Jesus Orbeta | Philippine Daily Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Magtatalaga ang Highway Patrol Group (HPG) ng Philippine National Police (PNP) ng mga karagdagang tauhan sa kahabaan ng Marilaque Highway sa Rizal Province matapos ang pagkamatay ng isang motovlogger.

Ayon kay Lt. Dhame Malang, ang tagapagsalita ng HPG, itatalaga tuwing araw ang mga karagdagang pulis gayundin tuwing mga araw ng Sabado at Linggo, kung kailan dagsaan ang motorcycle riders sa lugar.

Aniya ang mga karagdagang pulis ay magmumula sa kanilang mga unit sa Laguna, Cavite, at Quezon.

BASAHIN: DOH: 496 nasugatan sa mga aksidente sa mga kalsada nitong Kapaskuhan

Ang mga ito ay itatalaga sa Palo Alto sa bayan ng Tanay partikular n a sa tinatawag na “Devil’s Curve,” gayundin sa Palo Alto-Mount Masungi area.

Kamakailan ay nasawi ang motovlogger na si John Louie Arguelles dahil sa pagsasagawa ng “Superman stunt” kasama ang isang pang rider.

Apat  na indibidwal pa ang nasaktan dahil sa insidente, na pang-13 ng aksidente sa Marilaque Highway simula noong ika-1 Enero.

Sa kabuuan ng nakaraang taon, nakapagtala ang HPG ng 158 na aksidente sa Marilaque Highway at marami sa mga ito ay nangyari sa Palo Alto.

TAGS: Highway Patrol Group, Marilaque Highway, Highway Patrol Group, Marilaque Highway

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.