Paglalaro sa Rio Olympics ni Maria Sharapova hindi na matutuloy

By Mariel Cruz July 11, 2016 - 08:42 PM

LOS ANGELES, CA - MARCH 07:  Tennis player Maria Sharapova reacts as she addresses the media regarding a failed drug test at The LA Hotel Downtown on March 7, 2016 in Los Angeles, California. Sharapova, a five-time major champion, is currently the 7th ranked player on the WTA tour. Sharapova, withdrew from this week’s BNP Paribas Open at Indian Wells due to injury.  (Photo by Kevork Djansezian/Getty Images)
AP

Hindi na makapaglalaro ang Russian tennis superstar na si Maria Sharapova sa Rio Olympics sa Brazil.

Ito ay matapos ipagpaliban sa Setyembre ng Court of Arbitration for Sport (CAS) ang pagdedesisyon sa apela ng manlalaro sa ipinataw sa kanyang two-year doping ban.

Ayon sa inilabas na pahayag ng CAS, nangangailangan ng karagdagang oras ang mga partido para makumpleto at makatugon sa hinihinging ebidensya ng korte kaugnay sa kani-kanilang apela.

Dahil dito, ipinagpaliban na lamang ng korte sa September 19 ang paglalabas ng desisyon sa apela ni Sharapova.

Ang orihinal na ruling ay nakatakda na sanang ilabas sa July 18 kung saan inaasahan ng 29-year-old player na papabor sa kanya ang korte at makapaglalaro na siya bilang kinatawan ng Russian tennis team sa Rio.

Matatandaang noong Enero, nagpositibo si Sharapova sa paggamit ng ‘Meldonium’ na isang ipinagbabawal na gamot sa mga manlalaro partikular na sa tennis players.

TAGS: Maria Sharapova, olumpics, rio, Maria Sharapova, olumpics, rio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.