Reklamo laban kay VP Duterte, security chief ibinasura

METRO MANILA, Philippines — Ibinasura ng Quezon City Prosecutors Office ang mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte at sa isa sa kanyang mga security aide.
Inireklamo sina Duterte at Army Col. Raymund Lachica ni Police Col. Jason Villamor ng PNP Health Service ng direct assault, disobedience to authority, at grave coercion.
Nag-ugat ang mga reklamo ng puwersahang ilipat nina Duterte at Lachica si Office of the Vice President chief of staff Zuleika Lopez sa isang pribadong ospital sa Quezon City mula sa Kamara sa Batasang Pambansa.
BASAHIN: Marcos tutol pa rin sa VP Duterte impeachment matapos INC rally
Nangyari ito noong nakaraang ika-23 ng Nobyembre.
Nangyari ang paglilipat kay Lopez matapos ipag-utos ng pamunuan ng Kamara ang paglipat sa kanya sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City.
Ipina-aresto at ipinakulong ng House quad committee si Lopez habang iniimbestigahan ang diumanoy anomalya sa paggamit ng pondo ng tanggapan ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.