Phivolcs: Visayas, Mindanao niyanig ng dalawang lindol
METRO MANILA, Philippines — Ilang oras lamang ang pagitan ng dalawang lindol na nagpayanig sa Southern Leyte at Siocon, Zamboanga del Norte kaninang Huwebes ng umaga.
Nasa oras na 7:39 a.m. nang maitala ang 5.8 magnitude earthquake sa San Francisco, Southern Leyte.
Nagdulot ng landslide ang lindol sa bayan ng St. Bernard at napinsala ang ilang kalsada sa bayan naman ng Liloan.
Kinansela ang mga klase sa San Francisco at Maasin City para sa pagsasagawa ng assessment sa mga imprastraktura ng lokal na pamahalaan.
BASAHIN: Tolentino inihirit ang simpleng earthquake advisory ng Phivolcs
Samantala, alas-11:41 ng tanghali nang yanigin ng 6.1 magnitude na lindol ang Siocon.
Naitala ang sentro ng lindol sa distansyang dalawang kilometro timog-silangan ng Siocon at sa lalim na 32 kilometro.
Ayon sa Phivolcs asahan nang nagdulot ng pinsala ang naturang pagyanig ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.