Mas pinalawak na FOI bill isinumite na sa Senado

By Jan Escosio July 11, 2016 - 05:03 PM

Sonny Angara
Inquirer file photo

Iginiit ni Sen. Sonny Angara na sa kabila ng executive order ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatupad ng freedom of information sa executive branch ay kailangan pa ring madaliin ang pagsasabatas ng FOI bill.

Ayon kay Angara, kailangan ng komprehensibong batas na sasakupin ang lahat ng sangay ng gobyerno kasama na ang Legislative at Judiciary.

Sa inihain na FOI bill ni Angara, magiging transparent ang lahat ng mga ahensiya ng gobyerno sa kanilang mga transaksyon at desisyon kasama na ang kanilang research data na ginagawang basehan sa policy development.

Pero exempted sa panukala ang anumang impormasyon na kinalaman sa national security, ilang isyu sa foreign relations ng bansa na makakaapekto sa diplomatic ties ng Pilipinas kapag naisiwalat at ang mga napag-usapan sa mga executive sessions.

Gayundin ang mga personal na impormasyon na maaring humantong sa invasion of privacy, trade secrets at mga privileged communications sa mga usaping legal.

Gayunman, nakikita pa ring malaking hamon ni Angara kung paano maipapaalam sa lahat ng mga Pinoy ang bentahe ng naturang batas at kung paano ito makakatulong sa kanilang buhay.

TAGS: FOI bill, senate, sonny angara, FOI bill, senate, sonny angara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.