DBM may solusyon sa kapos na pondo ng ilang ahensya

By Jan Escosio January 22, 2025 - 12:25 PM

PHOTO: 1000-peso bills with DBM logo superimposed FOR STORY: DBM may solusyon sa kapos na pondo ng ilang ahensya
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) nitong na may mga paraan upang mapunan ang sinasabing kapos na pondo ng ilang ahensya ngayon 2025.

Kasunod ito ng anunsyo ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pinag-aaralan na kung paano madadagdagan ang 2025 national budget.

Unang pinagbilinan ni Marcos ang ilang ahensya na tiyakin na may pondo ang mga mahahalagang programa at proyekto na naapektuhan ng pagbawas sa pambansang pondo ngayon taon.

BASAHIN: Malacañang binuweltahan kampo ni Rody Duterte ukol sa 2025 budget

Ayon sa DBM, may mga paraan para masunod ng mga ahensya ang direktiba ni Marcos Jr., tulad ng paggamit sa savings at paggamit ng Contingent Fund o Unprogrammed Appropriations.

Nilinaw na lamang din ng kagawaran na ang mga maaring paraan ay dapat alinsunod sa mga kondisyon na nakasaad sa Special and General Provisions ng General Appropriations Act.

TAGS: 2025 national budget, Department of Budget and Management, 2025 national budget, Department of Budget and Management

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.