Panukalang pagpaparusa sa mga pabayang magulang OK sa CHR

By Jan Escosio January 22, 2025 - 12:23 PM

PHOTO: CHR facade and logo FOR STORY: Panukalang pagpaparusa sa mga pabayang magulang OK sa CHR
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Suportado ng Commission on Human Rights (CHR) ang panukalang batas upang maparusahan ang mga magulang na nagpapabaya ng kanilang anak.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng CHR na ginagarantiya ng House Bill No. 8987 ang suporta ng mga magulang para sa edukasyon, pagkain, damit, at iba pang pangunahing pangangailangan ng kanilang anak.

Naniniwala ang CHR na mapapangalagaan ng panukala hindi lamang ang mga karapatan ng bata kundi maging ang kanilang kinabukasan.

BASAHIN: CHR, hinimok ang publiko na i-report ang Facebook pages na sangkot sa child abuse

Ang naipasang panukalang batas, dagdag pa ng komisyon, ay magiging karagdagang daan tungo sa  tunay na pagiging responsable ang mga magulang.

Paalala pa ng CHR, pangunahing responsibilidad ng mga magulang na pangalagaan ang kanilang anak anuman ang katayuan nila sa buhay.

TAGS: Child Abuse, child neglect, commission on human rights, Child Abuse, child neglect, commission on human rights

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.