Ilang oil companies may rollback sa presyo ng gasolina

A gasoline attendant works at a gasoline station in Quezon City, suburban Manila on August 2, 2011. The Philippines plans to auction off areas of the South China Sea for oil exploration, despite worsening territorial disputes with China over the area, an official said August 2. AFP PHOTO/ JAY DIRECTO
Inquirer file photo

Magpapatupad ng tapyas presyo sa produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis bukas, araw ng Martes.

Sa advisory na inilabas ng Petron, Pilipinas Shell, Total at PTT Petroleum, bababa ang presyo ng gasolina sa P0.80 kada litro.

Ang bawas presyo ng Petron ay epektibo mamayang 12:01 ng hatinggabi habang ang Shell, Total at PTT ay magsisimula naman ng alas sais ng umaga bukas.

Wala namang abiso ang mga nabanggit na kumpanya sa paggalaw ng presyo ng diesel at kerosene.

Ang nasabing paggalaw ng presyo ay bunsod ng pagbaba ng oil price sa pandaigdigang merkado.

Read more...