Higit P2 taas-presyo sa gaas, krudo; P1.65 sa gasolina

METRO MANILA, Philippines —Magpapatuloy bukas ang Martes, ika-21 ng Enero, ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo na nagsimula noon pang pagpasok ng bagong taon.
Sa magkakahiwalay na abiso ng ilang kompaniya ng langis, P2.70 ang madadagdag sa presyo ng kada litro ng diesel o krudo at P2.50 naman sa kerosene o gaas.
Tataas naman ng P1.65 ang halaga ng kada litro ng gasolina.
BASAHIN: Mas mura ang kuryente mula sa nuclear energy – JV Ejercito
Ang pagtaas ng presyo ay dahil sa karagdagang $3 hanggang $5 sa presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Ito ay idinulot naman ng panibagong sanction ng Estados Unidos at United Kingdom sa Russia.
Noon lamang nakaraang linggo, ipinatupad ang dagdag 90 centavos sa presyo ng krudo at 80 centavos naman sa gasolina at gaas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.