Kinaltas na P400-M campaign budget ng DOT ipinasoli ni Marcos

By Jan Escosio January 15, 2025 - 01:45 PM

PHOTO: Ferdinand Marcos Jr. FOR STORY: Kinaltas na P400-M campaign budget ng DOT ipinasoli ni Marcos
Pangulong Ferdinand Marcos Jr. —INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Budget and Management (DBM) na ibalik ang inalis na P400 milyon na pondo ng Department of Tourism (DOT).

Ayon kay Marcos, mahalagang maipagpatuloy ng DOT ang kampanya upang patuloy na makilala ang Pilipinas sa turismo at makahikayat ng mas maraming banyagang turista.

Binanggit pa ni Marcos sina Filipino Olympic gold medalist Carlos Yulo at “The Voice US” winner Sofronio Vasquez, kapwa nakatulong upang mas lubos na makilala sa mundo ang Pilipinas.

BASAHIN: Nancy Binay natuwa sa suporta ni Marcos sa Pinoy street food tourism

Nilinaw ni Marcos na ang halaga ay huhugutin mula sa contingency fund ng Office of the President (OP).

Sinegundahan ni Tourism Secretary Cristina Garcia-Frasco ang katuwiran ni Marcos, at idiniin niya na kailangan ng sapat na pondo ng DOT para sa promosyon ng Pilipinas bilang “top international destination.”

Sinabi niya na noong 2024 na kumita ang Pilipinas ng P760 bilyon mula sa mga bumisitang banyagang turista.

TAGS: Department of Tourism, Ferdinand Marcos Jr., Department of Tourism, Ferdinand Marcos Jr.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.