Mayor Parojinog umamin na karelasyon ng anak ang drug lord na si Colangco

By Den Macaranas July 11, 2016 - 04:34 PM

parojinogTodo-tanggi si Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog Sr. sa pagkakadawit ng kanyang pangalan bilang isa sa mga local officials na miyembro ng isang malaking sindikato ng droga sa bansa.

Itinanggi rin ni Parojinog na wala silang ugnayan ng drug lord na si Herbert “Ampang” Colangco na kasalukuyan ngayong nakakulong sa loob ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Pero inamin ng alkalde na may relasyon ang kanyang anak na si Ozamis Vice Mayor Nova Princess Parojinog kay Colangco na kanya namang tinututulan.

Magugunitang si Colangco ay isa sa mga top drug personalities sa bansa na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinasabing protektado ngilang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) at ilang mga local officials.

Ipinaliwanag rin ni Parojinog na hindi totoong manugang niya si Colangco dahil katatapos lamang ma-annul ang kasal ng kanyang anak sa dati nitong mister na si Edgar Echavez na dating player ng Ginebra Kings sa Philippine Basketball Association (PBA).

Ipinagmalaki rin ni Parojinog na siya mismo ang nangunguna sa mga anti-illegal drugs operations sa kanyang nasasakupan kaya nagulat siya ng sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa siya sa mga protektor ng droga sa bansa.

Sinabi rin ni Parojinog na hand siyang sumailalim sa imbestigasyon para malinis ang kanilang pangalan hingil sa isyu ng illegal drugs.

Magugunitang sinabi ni Duterte na isa si Colangco sa mga bigtime drug lord sa bansa na yumaman sa loob ng NBP dahil sa kanyang iligal na gawain.

TAGS: colangco, duterte, Illegal Drugs, ozamis city, parojinog, colangco, duterte, Illegal Drugs, ozamis city, parojinog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.