Work, classes suspension sa Maynila, Pasay dahil sa INC peace rally
METRO MANILA, Philippines — Sinuspindi ng Malacañang ang pasok sa lahat ng opisina ng goberno at mga klase eskuwelahan sa mga lungsod ng Maynila at Pasay sa Lunes, ika-13 ng Enero.
Sa inilabas na Memorandum Circular No. 76 ng Office of the President, ang suspensyon ay upang maging maayos ang pagsasagawa ng “National Rally for Peace” ng Iglesia ni Cristo (INC).
Ginawa din ang hakbang para sa maayos na pagbiyahe ng mga lalahok sa pagtitipon.
BASAHIN: Traslacion 2025 ‘generally peaceful and orderly’ – PNP
Hindi naman sakop ng kautusan ang mga opisina at ahensiya na nagbibigay serbisyong pangkalusugan at mga rumeresponde sa mga kalamidad.
Ang suspensyon naman ng trabaho sa mga pribadong opisina ay ipinaubaya na sa kanilang pamunuan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.