Basura ng Traslacion 2025 sa Maynila umabot sa 382 metric tons

By Jan Escosio January 10, 2025 - 05:38 PM

PHOTO: Garbage on sidewalk after Traslacio 2025 FOR STORY: Basura ng Traslacion 2025 sa Maynila umabot sa 382 metric tons
Mga pinaglagyan ng pagkain at inumin ang karamihan sa mga basura na iniwan ng mga sumama sa Traslacion 2025. —Kuha ni Jan Escosio | Radyo Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Inabot na ng tanghali ngayong Biyernes ang paglilinis at paghahakot ng mga basura na iniwan ng milyong-milyong deboto na nakibahagi sa Traslacion.

Huling nalinis ang Quiapo at mga kalapit na lugar dahil madaling araw na nang matapos ang prusisyon ng Hesus Nazareno sa Quiapo Church.

Sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan na mula noong ika-8 ng Enero 8 nang sinimulan ang Pahalik sa imahe ng Hesus Nazareno sa Quirino Grandstand hanggang kaninang umaga ay umabot sa 382 metric tons ng basura ang nahakot ng lokal na pamahalaan.

BASAHIN: Traslacion 2025 ‘generally peaceful and orderly’ – PNP

Wala pang nailalabas na pinal na datos ukol sa nahakot na mga basura ang pamahalaang lungsod, ngunit may pagtataya na sa kabuuan ay halos 60 na truck ng mga basura ang ibinunga ng taunang prusisyon.

Karamihan sa mga basura ay food at water containers at mga karton at aluminum sheet na pinaghigaan ng mga deboto.

May ulat na ipinag-utos ni  Lacuna-Pangan ang “flushing” sa mga lugar na ginawang palikuran ng mga deboto.

TAGS: Feast of the Jesus Nazareno, Traslacion 2025, Feast of the Jesus Nazareno, Traslacion 2025

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.