Filipina na mula West Africa timbog sa bitbit na P24M na cocaine
METRO MANILA, Philippines — Arestado ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Filipina na pinaghihinalaang drug courier nang madiskubre ang bitbit niyang P24 milyong halaga ng cocaine sa NAIA Terminal 3 nitong Huwebes ng gabi.
Kinilala naman ng Bureau of Immigration ang suspek na si Joy Gulmatico, 29.
Nabatid ng Radyo Inquirer na sinubaybayan si Gulmatico dahil sa kaduda-dudang pagbiyahe sa ibat-ibang bansa, at ang huli ay sa Sierra Leone sa West Africa.
BASAHIN: Drug suspect na South Korean nahuli sa Clark airport
Nang dumating sa NAIA Terminal 3, sinuri ang kanyang bagahe at nadiskubre ang tinatayang 4.5 kg ng cocaine sa mga plastic na itinahi naman sa gilid ng apat na handbag at isang maleta.
Ayon kay BI Anti Terrorist Group chief Bienvenido Castillo III, agad na ipinasuri ang mga nakuhang pulbos sa laboratoryo at nakumpirma na ito ay cocaine na may halagang P24 milyon.
Nahaharap na ngayon ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 si Gulmatico.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.